Earlier, we had an Art Show and Tell with my fellow podsibs.
I was hesitant to share my works. I know these people and they accept me for who I am but my heart was beating so fast.
Impostor syndrome, I thought to myself. Despite knowing what I am capable of, there's still that panic. But I swallowed the fear and took my chance. I won't lose anything anyway.
Below is one of the two pieces I recited. I wrote this in 2012 when I was in college. It was for our Non-Fiction Writing Filipino class. It goes something like this. Ehe.
Ginising ako ng ingay ng pinto kaninang umaga.Sa kabila ng pagiging mulat ng aking mga matang halatang pagod pa rin sa araw na nagdaan, sinilip ko and liwanag mula sa kanang bintana. Napaupo ako bigla, tila'y isang eksena sa pelikula tuwing ang karakter ay may pangit na panaginip, nang makita kong mataas na ang araw sa langit.
Hindi tama 'to dahil madilim pa tuwing nagigising ako para pumasok.
Nagising na ako ng tuluyan. Pero sa halip na tumayo at tumakbo sa aming banyo at magmadali sa pagligo, humiga ulit ako.
Wala na sa tabi ko ang aking pamangkin na kasama ko sa pagtulog. Napalitan ng inis ang pag-aalalang hindi ako makakarating sa UST sa tamang oras. Naisip ko ang aking mama na maaring sanhi ng nakakagulat na tunog kani-kanina lang.
Bakit hindi niya ako ginising? Alam naman niyang maaga ang klase ko ngayon. Bakit nagawa niyang gisingin ang aking pamangkin na bumabangon sa parehas na oras ng pagtayo ko? Bakit hindi pa rim kami sanay sa pangangailangan ng isa't isa?
Maraming panahon din ang ninakaw ng kapalaran sa amin. Kinailangan niyang mangibang bansa noong bata pa lamang ako. Isa ito sa mga rason kung bakit may mga bagay kaming hindi napagkakaintindihan. Tumagilid ako sa kama at pinalitan ang pwesto ng pagkakahiga. Napatingin ako sa binili niyang bag na nakasabit sa pintuan.
Kilala ako ni mama. Alam niya kung ano ang bagay sa akin. Pero marami pa rin siyang 'di alam na gusto ko, kahit sa simpleng paboriting kulay. Tumulo ang luha ko at dumausdos sa aking pisngi.
Tatayo na sana ako nang bumukas ang pintuan. "Eypi," tawag ng aking pamangkin. "Halika na, mag-almusal na tayo. Nagluto si mama."
Napangiti ako kasabay nang pamumula ng kanina'y aking basang mga pisngi. Inabot ko ang aking telepono na parang gusto akong tawanan dahil sa aking pagdadrama.
Sabado nga pala ngayon.
Sa isip-isip ko, nahablot man ang oras sa amin noon, niregaluhan naman Niya kami ng pagkakataong makabawi sa isa't isa ngayon.
I almost did not participate but thank God I found my old notebook.
Guess it was meant to be?
2 Comentarios
THIS! I already told you but I will tell you everyday, everyday... ay ibang linyahan pala to. Kidding aside, I really admire your writing, because you brought me to your room, It felt like I was there, sharing your feelings. Please write more.
ReplyDeleteHahaha! Iba yunnnn!! Tinkyu huhuhu labyuuu
DeleteThoughts?